Humirit ang isang labor coalition sa Supreme Court (SC) na payagan silang manghimasok sa petisyon laban sa paglipat ng ₱89.9 billion na sobrang pondo ng Philippine Heath Insurance Corp. (PhilHealth).
Sa motion for intervention, tinawag ng NAGKAISA Labor Coalition at mga kaalyadong trade unions na “Act of Negative Social Justice” ang paglilipat ng labis na pondo.
Sinabi pa ng koalisyon na inilalayo ng naturang hakbang ang pondo sa mga tunay na nangangailangan nito at pinapaboran ang mga unprogrammed project na madaling mabahiran ng korapsyon.
Noong Agosto ay may inihain nang petisyon na humihiling sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order, at ng writ of preliminary injunction upang mapigilan ang paglipat ng pondo mula sa PhilHealth patungong National Treasury. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera