Naghahanda na ang Philippine Embassy sa Lebanon para sa pagpapaunlad ng alert level 4 o mandatory repatriation sa mga Filipino, kasunod nang pinalawak na operasyon ng military ng Israel laban sa Lebanon.
Sa press conference ng Department of Foreign Affairs sinabi ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat, na nag imbak na sila ng gasolina, mga pagkain at toiletries para sa malawakang paglikas sa mga Pinoy sa Lebanon.
Aminado si Balatbat na magiging hamon sa kanila ang pag rescue sa mga Pinoy na apektado ng kaguluhan na nasa labas ng Beirut.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na malabo ngayon ang evacuation sa pamamagitan ng eroplano.
Ito’y dahil sa isasara na sa unang linggo ng Oktubre ang Paliparan sa Beirut at marami narin airlines ang nagkansela ng kanilang flight sa Lebanon. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News