dzme1530.ph

Impeachment complaint laban kay VP Sara, ikinakasa

Inihahanda na ng Grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni BAYAN chairperson Teddy Casino na dapat ay kasado na ang kanilang reklamo pagsapit ng Nobyembre, kapag nagpatuloy ang sesyon ng Kongreso at mayroon nang mag-i-sponsor nito.

Hindi nagbigay ang grupo ng iba pang impormasyon sa basehan ng kanilang impeachment complaint laban sa bise presidente.

Gayunman, nilinaw ng BAYAN na hindi sila namumulitika, at nais lamang nilang mapanagot si VP Sara. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author