dzme1530.ph

DILG Sec. Benhur Abalos, kaagad magre-resign sa oras na maghain ng kandidatura sa pagka-senador

Kaagad magbibitiw sa pwesto si Dep’t of the Interior and Local Gov’t Sec. Benhur Abalos, sa oras na maghain ito ng kandidatura sa pagka-senador para sa 2025 midterm elections.

Sa ambush interview sa “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention” sa PICC sa Pasay City, inihayag ni Abalos na hindi pa niya tiyak kung anong araw siya mismo maghahain ng Certificate of Candidacy, ngunit maaaring sa mismong araw na ito ay dito na rin siya magre-resign.

Sinabi pa ni Abalos na may narinig na siyang mga pangalan na posibleng pumalit sa kanya ngunit hindi niya muna ito ibinahagi.

Nakasalalay na rin umano kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpili ng susunod na DILG Sec..

Ipinagmalaki naman ng Kalihim ang ilang malalaking personalidad na nahuli sa ilalim ng kanyang pamumuno, kabilang na dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, Pastor Apollo Quiboloy, dismissed Cong. Arnie Teves, at sex predator na si Jay Mejia. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author