Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalawak ng ugnayan ng Pilipinas sa European Union.
Ito ay sa presenstasyon ng credentials sa Malacañang ni Mariomassimo Santoro, ang bagong ambassador ng EU sa Pilipinas.
Tinalakay ng Pangulo at ng EU envoy ang pagpapalakas ng ugnayan sa kalakalan, climate action at green energy, at gayundin ang infrastructure development, digital transformation, at educational and cultural exchanges.
Samantala, umaasa rin ang Pangulo sa mas maigting na relasyon sa Finland sa kalakalan, teknolohiya, at renewable energy, sa pagdating ng bago nilang ambassador na si Saija Nurminen.
Tinanggap din ni Marcos sa Palasyo ang bagong ambassador ng Ireland na si Emma Hickey, at binanggit nito na nasa 22,000 Pilipino ang kasalukuyang nagta-trabaho sa Ireland, karamihan ay nasa information technology at healthcare. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News