dzme1530.ph

12 senatorial candidates ng administrasyon para sa 2025 elections, ipinakilala na

Inanunsyo na ang labindalawang kandidato ng administrasyon sa pagka-senador para sa 2025 midterm elections.

Sa ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ Convention 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapakilala sa mga pambato ng administrasyon, na nagmula sa iba’t ibang partido na bahagi ng Bagong Pilipinas alliance.

Kabilang dito ang reelectionists na sina Senators Imee Marcos, Ramon “Bong” Revilla Jr., Pia Cayetano, Lito Lapid, at Francis Tolentino.

Kasama rin ang mga dating senador na sina former Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Manny Pacquiao, at Panfilo “Ping” Lacson.

Bahagi rin ng lineup ang kongresistang sina ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, Las Piñas Rep. Camille Villar, at sina DILG Sec. Benhur Abalos at Makati City Mayor Abby Binay.

Sa 12 na ipinakilala, tanging si Sen. Imee Marcos lamang ang hindi nakadalo sa pagtitipon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author