dzme1530.ph

Kongreso, kumpyansang maisasabatas ang 5 pang LEDAC priority bills bago mag-Pasko

Kumpyansa ang Kongreso na maisasabatas na bago mag-Pasko ang lima pang priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council.

Ito ang inihayag nina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez matapos ang ika-anim na LEDAC meeting sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ayon kay Romualdez, mayroon na lamang dalawang priority bills ang nakabimbin sa Kamara, ito ay ang panukalang pag-amyenda sa Foreign Investor Long-Term Lease at amendments sa Agrarian Law.

Sinabi naman ni Escudero na nakatakda na ring aprubahan ng Senado ang proposed amendments sa Universal Health Care Law, pag-amyenda sa EPIRA Law, at ang panukalang paglikha ng Dep’t of Water Resources.

Samantala, partikular na isinulong ng Pangulo ang pagpasa ng Dep’t of Water Resources Bill, at ang “Waste-to-Energy Bill” na makatutulong umanong ibsan ang matinding pagbaha sa bansa.

Ayon sa Palasyo, 19 mula sa 64 na Common Legislative Agenda (CLA) priority measures ng administrasyon ang naisabatas na dahil sa pagtutulungan ng Senado at Kamara. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author