Hindi naitago ng mga kongresista ang pagkadismaya kay Vice President Sara Duterte ng hindi nito siputin ang plenary budget hearing kahapon sa Kamara.
Para kay La Union Cong. Paolo Ortega V, kung totoo ang lumabas na balita na nasa beach si VP Sara sa Calaguas Island, habang naka schedule na talakayin sa plenary ang OVP budget ay nakababahala ito.
Binaliwala umano nito ang constitutional duty sa bansa kapalit ng pagliliwaliw.
Para kay Ortega, mahalaga ang budget deliberation dahil isang hakbang ito para matiyak ang transparency at accountability sa paggamit sa pera ng taumbayan.
Maging si House Minority Leader Marcelino Libanan ay nabahala rin dahil pagpapakita ito ng kawalan ng respeto sa paggamit sa pera ng bayan. —sa panulat ni Ed Sarto