Nanawagang muli ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Lebanon na bumalik sa Pilipinas hangga’t mayroon pang available na commercial flights.
Kasunod ito ng tila lumalabas na set-up sa alitan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hezbollah.
Kamakailan ay niyanig ang Lebanon ng sunod-sunod na mga pagsabog mula sa daan-daan pagers, na umano’y pagmamay-ari ng Hezbollah members.
Ikinasawi ito ng 12 katao at ikinasugat ng 2,800 iba pa.
Bukod pa ito sa pagsabog ng mga walkie-talkie, na pumatay naman ng 20 at sumugat ng 450 katao.
Sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na wala namang Pinoy na nasugatan sa mga naturang pag-atake. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera