dzme1530.ph

Pagkaka-aresto sa kapatid ni Michael Yang, posibleng may malaking epekto sa imbestigasyon ng DOJ sa iligal na POGO

Inihayag ng Dep’t of Justice na ang pagkakahuli sa kapatid ni former Presidential Economic Adviser Michael Yang na si Yang Jian Xin o Tony Yang, ay posibleng magkaroon ng malaking epekto sa imbestigasyon sa mga iligal na POGO sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na si Yang Jian Xin ay sinasabing dawit sa operasyon ng iligal na POGO sa Cagayan De Oro City.

Ang pagkaka-aresto umano rito ay maaaring makatulong sa pangkabuuang imbestigasyon sa mga kaso ng human trafficking at iba pang iligal na aktibidad kaugnay ng POGO.

Kaugnay dito, tiniyak ni Ty na tutumbukin kung gaano kalalim ang kaugnayan ni Yang Jian Xin sa POGO.

Si Yang Jian Xin ay naaresto kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa bisa ng mission order dahil sa pagiging undesirable alien. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author