Binigyan ng pagkilala ng Climate Change Commission ang ilang Local Government Units (LGUs) sa pagsisikap ng mga itong mapaunlad at mapamahalaan ang kani-kanilang lugar lalo sa usapin ng kalikasan.
Isa sa mga awardee ay ang probinsya ng Masbate matapos kilalanin ang programa nito para sa adoptation and mitigation ng Climate Change Plan.
Mismong si Gov. Antonio Kho ang tumanggap ng parangal na pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ayon kay Gov. Kho, malayo na ang nararating ng kanilang lalawigan pagdating sa usapin ng infrastructure at environmental concern.
Ibinahagi ni Gov. Kho, na sa pamamagitan ng mga imprastraktura, naidugtong na nila ang Masbate sa bawat bayan kahit ang marami dito ay mga isla.
Pumapangalawa umano ang Masbate sa Bicol Region na may pinakamabilis na infrastructure development.
Tiniyak ng Gobernador na mananatiling prayoridad ng kanilang Provincial Government ang kabuhayan at kalikasan ng nga taga Masbate.
Kasama rin sa nabigyan ng parangal si Lingayen City Pangasinan Mayor Leopoldo Bataoil para sa kanilang management recycle facility.