dzme1530.ph

Delay sa implementasyon ng PhilSys Act, bubusisiin ng Senado

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na matukoy ang mga sanhi ng pagkakaantala sa implementasyon ng Republic Act No. 11055 o’ Philippine Identification System (PhilSys) Act upang maiwasan ang higit na pagkadiskaril sa pagpapatupad nito.

Sa kanyang Senate Resolution 1192, iginiit ni Pimentel ang pagsasagawa ng investigation in aid of legislation sa backlog sa national ID cards kasabay ng panawagan ng komprehensibong pagrebisa sa batas.

Iginiit ni Pimentel na dapat makabuo at makapagpatupad ng catch-up plan para malutas ang backlog.

Batay sa record ng Philippine Statistics Authority, hanggang noong August 2 ng taong kasalukuyan mahigit 89 million ang nairehistro sa ilalim ng PhilSys system pero nasa 53 million pa lang na physical ID ang naipamahagi.

Nangangahulugan aniya ito ng 32 million cards ang backlog dahil sa limitadong kapasidad ng printing facilities.

Sa kabila nito ay tinerminate ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kontrata sa All Card para sa supply at delivery ng 116 million PhilID cards dahil sa sinasabing kabiguan ng supplier na matugunan ang kanilang contractual obligations.

Ayon kay Pimentel, dahil sa terminasyon ng naturang kontrata, kailangan ng bagong vendor at malamang maapektuhan ang continuity at efficiency ng implementasyon ng Phil. Identification System Act. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author