Kinalampag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang America, China, at iba pang mayayamang bansa, na tumulong sa maliliit na bansang pinaka-apektado ng climate change tulad ng Pilipinas.
Sa kanyang video message sa Climate Change Summit sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na nangunguna ang China at USA sa carbon emissions, ngunit ang maliliit na bansa ang nagbabayad sa pinsalang kanilang ginawa.
Ini-halimbawa nito ang Pilipinas na bagamat may napakaliit na carbon emission percentage worldwide, isa naman ito sa pinaka-nanganganib sa climate change.
Kaugnay dito, iginiit ni Marcos na dahil ang malalaking bansa naman ang gumawa ng problema at sila ang yumaman dito, dapat sila rin ang tumulong sa maliliit na bansa.
Isinulong din ng Pangulo ang polisiya kung saan ang sinumang bansang pinaka-nakinabang at may pinaka-malaking naidulot na polusyon, sila rin ang dapat na unang tumulong sa mga apektadong bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News