Suspendido simula alas-3 ng hapon ang pasok sa lahat ng tanggapan ng executive branch ng gobyerno sa araw ng Lunes, Setyembre 23.
Ito ay para sa “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Sa Memorandum Circular no. 64, nakasaad na deklarado ang huling linggo ng Setyembre bilang Family Week alinsunod sa Proclamation no. 60 series of 1992, at ang ika-4 na Lunes ng buwan bilang Kainang Pamilya Mahalaga Day batay sa Proclamation no. 326 series of 2012.
Kaugnay dito, hinikayat ang lahat ng empleyado ng ehekutibo na suportahan ang mga programa at aktibidad para sa family week.
Hinikayat din ang iba pang sangay ng pamahalaan, independent commissions at bodies, at pribadong sektor na mag-suspinde rin ng trabaho upang mabigyang oportunidad ang lahat ng Pamilyang Pilipino na ipagdiwang ang family week.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang naghahatid ng basic at health services, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News