Tulad ng nakalipas na pagdinig naging mailap pa rin si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagsagot sa mga tanong ng mga senador sa pagdinig sa POGO Operations.
Ito ay nang paulit ulit na igiiit ni Alice Guo ang kaniyang right against self-incrimination sa mga tanong ng mga senador kaugnay sa kaniyang relasyon kay Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Calugay at mga tanong sa pagpapanotoryo ng affidavit nito na isinumite sa Department of Justice.
Inungkat ng mga senador ang paraan ng pagpapanotaryo at maging ang paghahanda ng affidavit ni Alice Guo na isinumite sa DOJ.
Ito ay nang aminin ng dalawang tauhan ng sinibak na alkalde na sina Kath Salazar at Gee Pepito na sila ang inutusan ni Alice Guo na magpanotorayo ng affidavit.
Sa kwento ni Salazar, kinausap niya ang executive assistant ni Calugay na si Sheryl Medina para maghanap ng abogado na magnonotaryo ng affidavit at saka nila nakilala si Ka Dante na siya namang naging tulay para sa pagnonotaryo ni Atty. Elmer Galicia.
Inihayag ni Alice Guo na bago pa ang kanyang pagtakas palabas ng bansa ay pinirmahan na niya ang affidavit na hindi pinaniwalaan ng mga senador dahil wala pa siyang kaso nang tumakas ito noong Hulyo.
Sa testimonya naman ni Salazar, sinabi nito na prinint lamang niya ang affidavit na ginawa ni Atty. Rey Angco at ang huling pahina na may pirma ni Alice Guo ay inattach lamang niya dahil inihanda na ito bago pa umalis ang sinibak na alkalde.
Sa puntong ito, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na lumilitaw na alam ng mga abogado na aalis ng bansa ang dating mayor.
Sa panig ng DOJ, sinabi ni Atty. Isser Joseff Gatdula, Assistant City Prosecutor, na posibleng mawalan ng saysay ang pag notaryo sa affidavit. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News