Naghahanda na simula pa noong weekend ang gobyerno para sa epekto ng Bagyong Gener.
Sa viber message sa DZME, inihayag ni Presidential Communications Office Spokesperson for Calamities and Natural Disasters Assistant Sec. Joey Villarama, simula pa noong linggo ay nagpupulong na ang mga kaukulang national agencies, at regional offices ng Office of Civil Defense.
Sinabi ni Villarama na halos lahat ng kina-kailangan ay naka-preposition na bago pa man maramdaman ang epekto ng bagyo.
Bukod dito, pinaghahandaan na rin umano ang Tropical Storm “Pulasan”, na tatawagin sa local name na Bagyong “Helen” sa oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News