dzme1530.ph

Paghuhugutan ng panukalang ₱6.352-T 2025 National Budget, inusisa

Matapos ang sponsorship speech nina Rep. Zaldy Co, chairman ng appropriations panel at Rep. Stella Quimbo bilang senior vice chairperson, agad nang sinimulan ang debate sa General Principle.

Pinagtuunan ng pansin ni Camarines Sur Cong. Gabriel Bordado ang pag-usisa sa paghuhu-gutan ng ₱6.352-T sa buong taon ng 2025.

Ayon kay Congw. Quimbo na sponsor ng GAB 10800, target ng Marcos administration na makakulekta ng ₱4.644 trilyon na buwis, at ito ay pupunan sa paraan nang pangungutang na tinayang aabutin ng ₱2.545-T.

Sa kasalukuyan ₱15.69-T na ang utang ng Pilipinas, subalit hindi naman ito nakababahala.

Nilinaw ni Quimbo na hindi masama ang mangutang basta’t ang gagawing pag-utang ay nakatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Sa ngayon ang debt-to-DGP ratio ay 60.9%, pero sa taong 2028 nais nila itong ibaba sa 56.3%. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author