Mariing binalaan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga public officials na hindi nito hahayaan ang hyprocrisy at takasan ang maling paglustay sa pera ng bayan.
Sa pagsisimula ng Plenary session para sa General Appropriations Bill 10800 para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng ₱6.352 trillion, tiniyak ni Romualdez ang ‘zero-tolerance’ sa pagbaliwala sa accountability sa pera ng bansa.
Tinangka umanong baliwalain ng mga kritiko ang kanilang ginagawa, at ipinangalandakan ang salitang “accountability” pero mali naman ang paggastos nila sa pera ng bayan.
Hindi umano nila hahayaang magturo ang mga may kasalanan at takasan ang pananagutan dahil ang lahat ay kailangang dumaan sa tamang proseso
Mensahe pa ni Romualdez, ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling pakinabang ng iilan, kaya katungkulan nila na tiyaking ang bawat piso ay napapakinabangan ng tama. —sa panulat ni Ed Sarto