Isang malaking hakbang tungo sa pagkamit ng ganap na pagkamit ng hustisya ang pagharap ngayon ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy sa Korte kaninang umaga.
Pahayag ito ni Sen. Risa Hontiveros na nagsabing karapat-dapat managot sa batas ni Apollo Quiboloy dahil nagdulot siya ng matinding pasakit at pagdurusa sa mga babae, bata at most vulnerable members ng kanyang grupo.
Kasabay nito, tiniyak ni Hontiveros na haharap pa sa pagdinig ng Senado ang mas maraming biktima ni Quiboloy upang ipaglaban ang kanilang pagkatao, diginidad at buong katotohanan.
Nagpapasalamat naman ang senador sa mga nauna nang humarap sa pagdinig partikular kay alyas Amanda na isa sa unang nag-testify in public, sa pamamagitan ng Senado, para isiwalat ang sistematikong panggagahasa, pang-aabuso, at pananamantala ni Quiboloy. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News