Naglatag ng mga aksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng pagiging most at risk country ng Pilipinas sa 3 magkakasunod na taon sa world index report.
Sa kanyang talumpati sa ceremonial turnover sa Malacañang ng Asian Development Bank Philippines Country Partnership Strategy 2024-2029, ikinalungkot ng Pangulo ang pananatili ng bansa bilang most vulnerable o pinaka-nanganganib sa Climate change.
Sinabi pa ni Marcos na pagdating ng 2023 ay inaasahang aabot na sa 7.6% ng gross domestic product ang mawawala kada taon bunga ng climate change.
Kaugnay dito, nakatutok umano ang gobyerno sa pagsusulong ng renewable energy at climate solutions, na itong nagpapakita ng pagiging seryoso sa pag-protekta sa planeta.
Dapat din umanong suportahan ang mga hakbang ng pribadong sektor, at kailangang lumikha ng trabaho at oportunidad na tututok sa resiliency o pagiging matatag mula sa mga hamon.
Pinuri rin ni Marcos ang commitment ng ADB sa low-carbon transport, renewable energy, resilient coastal development, at integrated flood resilience and adaptation project. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News