Dumulog sa Supreme Court si Cassandra Li Ong, Incorporator ng Whirlwind Corp. at umano’y kasabwat ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, para tukuyin kung mayroong grave abuse of discretion sa bahagi ng mga mambabatas sa pag-iimbestiga hinggil sa umano’y kaugnayan niya sa mga iligal na aktibidad ng mga POGO.
Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, naghain si Ong ng petition for certiorari and prohibition, kahapon, laban sa Congressional panels na nag-iimbestiga sa kanyang kaugnayan sa POGO hub na naka-base sa Porac, Pampanga.
Binigyang diin ni Ong na nalalagay sa alanganin ang kanyang Constitutional rights, gaya ng right to remain silent, right against self-incrimination, at right to counsel, sa isinasagawang pagdinig ng Kamara.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng kustodiya ng Kamara si Ong bilang bahagi ng pagsisiyasat sa umano’y kaugnayan nito sa Lucky South 99 POGO na sinalakay ng mga awtoridad noong Hunyo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera