Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang legasiya sa pagiging mahusay na Pilipino ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay dapat sundan ng lahat.
Sa kanyang talumpati sa Marcos Day Celebration sa Batac City Ilocos Norte ngayong Miyerkules ng umaga, sinabi ng Pangulo na napaka-simple lamang ng itinuro sa kanya ng kanyang ama sa pagse-serbisyo, ito ay ang maging Pilipino, at pagsilbihan at ipagtanggol ang mga Pilipino at Pilipinas.
Kaugnay dito, ibinahagi ng Pangulo na sa pagsisimula ng kanyang pamumuno ay nagsilbi nang gabay ang buhay at mga leksyon ng kanyang ama, at patuloy niya itong susundan sa nalalabing bahagi ng kanyang termino.
Dapat umanong ipagpatuloy ang legasiya ng pagmamahal sa bansa upang manatali ang bayan sa tamang direksyon.
Samantala, kaninang umaga ay dumalo ang Pangulo at ang First Family sa misa sa Immaculate Conception Parish sa Batac City bago ang wreath-laying ceremony sa bantayog ni Marcos Sr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News