Pinapanagot ng Bagong Alyansang Makabayan si Vice President Sara Duterte sa anila “misuse of funds.”
Suot ang ‘pusit headdress’, sinabayan ng kilos protesta ng Grupong Bayan sa labas ng Batasan Complex ang pagdinig sa ₱2.034-B proposed budget ng OVP sa taong 2025.
Pinapanagot ng grupo si Inday Sara sa maanomalyang paggamit ng confidential funds noong 2022, at mga kwestyonableng paglustay sa pondo ng DepEd sa panahon nito bilang kalihim.
Isinigaw din ng Bayan ang paglaslas sa anila “unnecessary and redundant items” sa budget ng OVP gaya ng social services.
Wala umanong “competence” ang OVP na gampanan ang functions ng DSWD, DOH, NHA, at LGUs na ginagawa na ang serbisyong nais duplikahin ni Sara.
Dagdag pa ng grupo, kung kinakailangan, sampahan na lamang ng impeachment complaint ang bise presidente.
Paalala pa ng Bayan sa mga opisyal ng pamahalaan, hindi mandate ng elected personnel na i-plunder ang yaman ng bayan at ariin ito bilang personal trust fund. —sa panulat ni Ed Sarto, DZME News