Itinuturing ni Sen. Sherwin Gatchalian na patunay ng patuloy na talamak na human trafficking at scamming ang panibagong POGO na natuklasan sa Subic.
Sa raid na pinangunahan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa POGO hub sa Subic Freeport Zone, dalawang Chinese ang inaresto habang 18 pa ang nailigtas.
Sinabi ni Gatchalian na sadyang kailangang magtulungan ang lahat upang tuluyang matigil ang mga ilegal na gawain ng POGO sa bansa.
Muli ring hinikayat ng senador ang mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at ang mamamayan na maging mas mapagbantay at aktibo sa paglaban sa mga operasyong ito.
Binigyang-diin ng mambabatas na ang sama-samang pagkilos ay susi upang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News