dzme1530.ph

Siphoning operation sa lumubog na MTKR Terranova, limang araw ng suspendido dahil sa masamang panahon

Hindi pa rin maipagpatuloy ang pagsipsip ng langis mula sa lumubog na MTKR Terranova dahil sa masamang panahon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), limang araw ng suspendido ang siphoning operation bunsod ng malakas na current at masungit na panahon sa ground zero.

Unang sinuspinde ng PCG ang operasyon noong Lunes dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.

Nilinaw din ng Coast Guard na ang nasisipsip mula sa lumubog na motor tanker ay oily waste at hindi purong industrial fuel.

Kabuuang 1,254,889 liters na ng oily waste ang nakolekta mula sa MTKR Terranova simula noong Aug. 19 hanggang Sept. 1. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author