dzme1530.ph

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, inilunsad sa Davao City

Ipagpapatuloy ngayong araw ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao City at sa buong rehiyon.

Kahapon pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang 183 lawmakers na nag-tungo sa Davao City para personal na saksihan ang distribusyon ng iba’t ibang Social Amelioration Program.

Para kay Romualdez ngayong budget season magandang okasyon ang BPSF dahil personal na nakikita ng mga kongresista ang pamamahagi ng tulong.

Hindi na umano mahihirapang kumbinsihin ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso dahil personal nilang nakikita kung paano nakatutulong sa taumbayan ang bawat piso na inilalaan sa social amelioration programs gaya ng AICS, AKAP, TUPAD at iba pa.

Kabuuhang ₱1.2-B halaga ng gov’t services at financial aid ang niro-rollout sa BPSF na nagsimula kahapon at magtatapos ngayong araw Sept. 6.

Sa nagdaang isang taon, nakapagsagawa ng 23 BPSF sa iba’t ibang panig ng bansa, at ang Tacloban edition ang pinaka-blockbuster matapos daluhan ng 242 House members at 12 gobernador.

About The Author