dzme1530.ph

DOJ, nilinaw na wala pang official request ang Indonesia kaugnay ng prisoner swap para kay Alice Guo

Nilinaw ng Department of Justice na wala pang anumang formal request ang Indonesian Government para sa prisoner swap na kinasasangkutan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ginawa ni Justice Usec. Nicholas Ty ang paglilinaw, kasunod ng reports na inihihirit ng Indonesia ang kustodiya sa Australian drug kingpin na si Gregor Haas.

Ipinaliwanag ni Ty na ang prisoner swap ay isa lamang posibilidad.

Sinabi ng Justice official na huwag pangunahan ang proseso, dahil sa ngayon ay umaasa pa rin sila na madaliang maiuuwi sa bansa ang pinatalsik na alkalde.

Una nang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong komplikasyon sa deportation ni Guo, na kinasasangkutan ng request ng Jakarta Police na ipalit ang dismissed mayor kay Haas, na inaresto sa Bogo, Cebu noong May 15, alinsunod sa red notice na inilabas ng Interpol.

Ang dayuhang suspek ay nahaharap sa kasong drug smuggling na may katapat na parusang kamatayan sa Indonesia. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author