Tiniyak ng National Economic and Development Authority na labis na makikinabang ang households at mga negosyo sa bumabang inflation rate at stable na presyo ng mga bilihin.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang bumabang inflation rate ay magtutulak sa consumer spending at magpapasigla ng aktibidad sa ekonomiya.
Makikinabang din umano ang low-income households sa pagbaba ng food inflation.
Sinabi pa ni Balisacan na makahihikayat din ito ng investments at business expansion.
Tiniyak naman ng NEDA ang kahandaan ng gobyerno sa mga posibleng maka-apekto sa inflation tulad ng nagbabadyang La Niña at matinding pagbaha.
Mababatid na bumaba sa 3.3% ang inflation rate para sa buwan ng Agosto, mula sa 4.4% noong Hulyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News