dzme1530.ph

Mga napaulat na namatay sa pananalasa ng Bagyong Enteng, umakyat na sa 15

Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong “Enteng” at Habagat sa bansa.

Sa emergency meeting sa NDRRMC sa Camp Aguinaldo Quezon City na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Miyerkules ng umaga, iniulat ni Office of Civil Defense Director of the Operations Service Cesar Idio na as of 10 am ngayong araw, 15 na ang napaulat na patay, 15 ang nasugatan, at 21 ang nawawala.

Umabot na rin sa 1.7 million na katao o 442,000 na pamilya ang apektado sa Regions 1, 2, Cordillera, Region 3, Metro Manila, CALABARZON, regions 6, 7, at 8.

Kabilang dito ang 21,681 pamilya o 88,077 na kataong nananatili sa evacuation centers.

14 na insidente ng landslides naman ang naitala, habang 50 lugar ang nananatiling lubog sa baha. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author