Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat nang isiwalat ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping ang iba pa niyang kasabwat sa kasabwat sa mga criminal activities sa operasyon ng POGO.
Sinabi ni Gatchalian na dapat ding pangalanan ng dating alkalde kung sinu-sino ang tumutulong sa kanya mula sa gobyerno kaya nakapag-operate ng iligal na POGO at kaya sila nakalabas ng bansa kahit na may warrant of arrest laban sa kanila.
Iginiit pa ng senador na dapat na tukuyin ng dating alkalde ang mga pangalan ng mga tumutulong sa kanila upang masampahan sila ng kaso.
Sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros na target nilang maiharap si Alice Guo sa pagdinig ng Senado sa lalong madaling panahon.
Iginiit pa ni Hontiveros na hindi nila tatantanan hanggat hindi nalalaman kung sino ang mga tumulong kaya natakas palabas ng bansa ang dating alkalde at iba pa na inisyuhan nila ng warrant of arrest
Bukas ay nakatakdang magpatuloy ang pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice and Human Rights kaugnay sa pagtakas nina Alice Guo sa bansa kung saan inaasahang haharap si Cassandra Li Ong. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News