dzme1530.ph

Pinakawalang rocket ng China, kinumpirma ng PhilSA

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang inilunsad na Long March 4B rocket mula sa Xichang Satellite Launch Center, sa Sichuan Province sa China.

Kasabay ito ng babala sa panganib na dala ng debris sa projected drop zone, ilang daang milya ang layo mula sa baybayin ng mga lalawigan ng Cagayan at Catanduanes.

Inilabas ng PhilSA ang pre-launch report sa government agencies at authorities, bago pakawalan ang rocket kaninang 9:20 ng umaga, at tinayang babagsak ang debris sa paligid ng 368 nautical miles mula sa Sta. Ana, Cagayan at 318 nautical miles mula sa Panay Island, sa Catanduanes.

Nilinaw ng PhilSA na bagaman hindi inaasahang babagsak sa kalupaan o sa lugar na mayroong mga nakatira, may hatid na panganib ang debris sa mga barko, eroplano, bangkang pangisda, at iba pang mga sasakyang pandagat na dadaan sa drop zone. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author