dzme1530.ph

Kongresista, kumbinsidong may conspiracy sa 8-B peso contract para sa pagbili ng laptops, related equipments sa panahon ni ex-education sec. Duterte

Kumbinsido ang vice chairman ng Committee on Appropriations na may conspiracy sa 8-B peso contract sa pagbili ng laptops at related equipments sa panahon ni former Education Sec. Sara Duterte.

Sinabi ni Ako-Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na hindi masasagot ni Education Sec. Sonny Angara ang kanyang mga katanungan dahil anim na linggo pa lang ito sa kagawaran.

Dahil dito si Undersecretary for Procurement Gerard Chan na humalili kay Usec. Michael Poa at Usec. Gloria Mercado ang naatasang sumagot.

Ayon kay Bongalon nagsimula ang conspiracy ng nagkaroon ng first bidding at rebidding, subalit sila-sila pa rin ang bidding participants.

Ang nagsabwatan ay sa pagitan umano ng mga nakaupo sa Bidding and Awards Committee (BAC) at procurement officials na nag supervise sa proyekto.

Sa first bidding, may 24% umanong variance sa isinumiteng bid, ibig sabihin may 1.6-B savings ang DepEd, subalit sa 2nd bidding na sila pa rin ang participants naging 1% na lamang ang variance.

Katwiran naman ni Chan, failed ang first bidding dahil incomplete ang mga isinumiteng dokumento ng bidders na siyang dahilan kaya nabago ang presyo.

Sa pag-uusisa napilitan si Chan na isiwalat ang mga pangalan ng humawak sa procurement at ito ay sina Mercado, Poa at former Asec. Francis Bringas. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author