Hinimok ni ACT Techers Rep. France Castro si Education Sec. Sonny Angara na review-hin ang MATATAG curriculum.
Labis ang pagkadismaya ni Castro sa mga problemang iniwan ni Vice Pres. Sara Duterte sa DepEd gaya ng MATATAG curriculum na minadali kaya problema ngayon sa mga guro.
Sa hearing ng House Committee on Appropriations kaugnay sa proposed ₱793.18 billion budget ng DepEd sa 2025, pinuri ng ACT Teachers si Angara sa pagiging accomodating sa mga panukala na may kaugnayan sa guro.
Sa MATATAG curriculum pito hanggang walong subject kada araw ang load ng guro sa High School, at bawat subject ay tumatagal ng 45-minutes.
Ani Castro, siniksik ang 7-8 subject kada araw para lang sulitin ang 6-hours load per day na sobrang pasakit sa mga guro.
Tugon naman ni Angara, may draft Department Order na para sa MATATAG curriculum, at siniguro nito na siya ay nakikinig sa hinaing ng kaguruan. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News