dzme1530.ph

Budget briefing ng DepEd sa Kamara, tuloy sa kabila ng masamang panahon

Sa kabila ng matinding pag-ulan dulot ng bagyong Enteng at suspensyon ng pasok sa government offices, itinuloy ng House Committee on Appropriations ang budget briefing ng Department of Education.

Pasado alas-8:00 ng umaga dumating sa Kamara si Education Sec. Juan Edgardo “Sonny” Angara para depensahan ang ₱977.6 billion proposed 2025 national budget.

Nakapaloob sa halagang ito ang pondo para sa iba pang tanggapan o attached agencies gaya ng State Colleges and Universities (SUCs), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Mahigit isang buwan pa lamang si Angara mula ng italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DepEd na unang hinawakan ni Vice President Sara Duterte, na nag-resign noong July.

Si Angara ay unang nahalal bilang kongresista ng Aurora province, at naging senador matapos ang siyam na taon sa kamara, bago italaga ni Pang. Marcos sa Kagawaran ng Edukasyon. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author