Hindi dapat singilin ng placement fees ang mga Pilipino na nagnanais mag-trabaho sa Qatar.
Ito, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), alinsunod sa Article 33 ng Qatar Law no. 14 of 2004.
Ipinagbabawal ng Qatar Law sa licensed recruitment agencies ang pangongolekta ng recruitment fees, expenses, o iba pang mga gastusin, sa mga manggagawang mula sa ibang mga bansa.
Sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na ipinababatid nila sa publiko na ang Qatar ay ikinu-konsidera bilang non-placement fee labor-receiving country.
Ibinabala rin ng ahensya na ang mga lalabag sa “no placement fee” policy ay tatanggalan ng lisensya.