dzme1530.ph

Pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng barangay, isinusulong sa Senado

Ilang panukala ang inihain sa Senado na naglalayong pahabain ang termino ng mga kapitan at kagawad ng Barangay.

Isinulong ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang Senate Bill 2800 upang gawing limang taon ang panunungkulan ng barangay officials sa halip na tatlong taon.

Inihain naman ni Sen. Imee Marcos ang Senate Bill 2629 para gawing anim na taon ang termino ng mga opisyal ng Barangay.

Sa Senate Bill 2802 naman ni Sen. Bong Go, bukod sa gagawing anim na taon ang panunungkulan hindi lamang ng mga barangay officiala kundi maging ng chairman at kagawad ng Sangguniang Kabataan.

Iginiit ng mga senador na masyadonh maikli ang tatlong taon upang magpatupad ng mga programa at reporma sa mga barangay.

Idinagdag pa na masyadong magastos ang kada tatlong taon na eleksyon.

Sa Barangay at SK elections sa December 2025, nais ng Comelec na maglaan ng ₱11.59-B.

Iginiit ng Comelec na pataas ng pataas ang pondo para sa eleksyon dahil palaging dumadami ang bilang ng populasyon na nangangailangan din ng dagdag na manggagawa at kagamitan.—ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author