Iginiit ni Sen. Ramon Revilla Jr. ang kahalagan ng pagkakaroon ng Infectious Disease Center hindi lamang upang magamot ang mga sakit kundi upang mapigilan ang paglaganap nito.
Ginawa ni Revilla ang pahayag makaraang pangunahan niya ang groundbreaking ceremony ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) – Infectious Disease Center sa Cebu City.
Ang VSMMC Infectious Disease Center ay apat na palapag na gusali na magsisilbing pasilidad para sa makabagong laboratory at isolation place upang tukuyin at maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit.
Sa pamamagitan ni Revilla, nakapaglaan ng pondo sa kasalukuyang national budget para sa pagpapatayo ng gusali.
Binigyang-diin ni Revilla na ito ay magiging simbolo ng dedikasyon ng gobyerno na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.
Ito anya anng magsisilbing liwanag ng bagong pag-asa at pangarap na nagtutulak sa atin tungo sa isang mas ligtas na bukas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News