dzme1530.ph

PBBM, isinulong ang pagpapalakas ng defense at maritime cooperation sa Vietnam

Isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam sa depensa, seguridad, at maritime operations.

Sa courtesy call sa Malacañang ni Vietnam Minister of National Defense General Phan Van Giang ngayong Biyernes, pinuri ng Pangulo ang lumalagong relasyon ng dalawang bansa na dati ay nasa lebel lamang ng diplomasya.

Kasama na rin umano rito ang ugnayan sa kalakalan.

Kaugnay dito, umaasa ang Pangulo na ang pag-bisita ng Vietnamese Defense Chief ay magbibigay-daan para sa pagpapaigting pa ng mga kooperasyon.

Samantala, pinuri naman ni General Phan ang Navy-to-Navy discussions ng dalawang bansa.

Naniniwala rin ito na malaki pa ang maitutulong ng Pilipinas sa ASEAN Community bilang isang responsableng miyembro ng ASEAN. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author