dzme1530.ph

eTravel system, iginiit na gawing mas episyente at hassle free

Dapat gawing mas episyente at hassle free ng gobyerno ang ipinatutupad na e-travel system para sa ga pasaherong umaalis at pumapasok ng bansa.

Ito ang iginiit Sen. Grace Poe kasunod ng mga natanggap na reklamo ng mga pasahero na nahihirapan sa paggamit ng eTravel system.

Sinabi ni Poe na hindi user friendly ang nasabing sistema at kumakain ng mahabang oras para sagutan ang mga requirement.

Katunayan, maging ang mga “internet-savvy” o mahuhusay sa paggamit ng internet at ang mga technogically-challenged ay nagrereklamo rin sa pag-access sa application bunsod na rin ng maraming detalyeng hinihingi para makumpleto ang proseso.

Bukod dito, may problema rin sa availability ng internet connection lalo na sa mga kailangang gawin ang pagsagot sa mga paliparan.

Inirekomenda ni Poe sa Bureau of Immigration na magpatulong sa Department of Information and Communications Technology upang gawing epektibo at madali ang kanilang digital data collection platform.

Umapela si Poe na gawing secure, user-friendly at madali ang pagpasok at pagalis sa bansa ng mga bisita o turista. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author