dzme1530.ph

Patuloy na pagkakatengga ng Dalian trains, pinabubusisi sa Senado

Isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa 48 bagon na binili ng gobyerno para sa MRT 3 sa halagang ₱3.76 billion subalit 7-taon nang nakatengga o hindi nagagamit.

Sa Senate Resolution 1168, sinabi ni Tulfo na dapat marepaso ang procurement practices ng gobyerno kasama na ang kalidad ng mga imprastraktura.

Mula anya 2015 hanggang 2017, naideliver sa bansa ang 48 bagon para sana sa MRT na binili sa Chinese firm na Dalian Locomotive and Rolling Stock subalit hindi pa rin nagagamit dahil hindi umano akma sa bigat at sukat ng riles ng MRT 3.

Bukod dito, ipinagbawal din umanong gamitin ng Japanese firm na Sumitomo na kinontrata naman para sa rehabilitasyon at pagmamantine ng MRT System hanggang July 31, 2025.

Binili ang mga bagon upang mas maging mabilis at maginhawa sana ang biyahe ng mga pasahero sa MRT na umaabot sa 800,000 kada araw. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author