dzme1530.ph

Pagtalakay sa budget ng OVP, ipinagpaliban ng Kamara

Ipinagpaliban ng House Committee on Appropriations ang pagtalakay sa 2-billion peso proposed budget ng Office of the Vice President para sa 2025, kasunod ng pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na sagutin kung paano nito ginagamit ang pondo ng kanyang opisina.

Nag-motion to defer si Zambales Rep. Jeff Khonghun, matapos madismaya sa paulit-ulit na pag-iwas ni Duterte sa mga taong sa loob ng limang oras na budget hearing.

Pinayagan ang mosyon nang walang pagtutol at itinakda ng panel ang budget deliberation sa Sept. 10.

Sa isang punto ng diskusyon sa disallowance ng 73 million pesos na ginastos ng OVP sa confidential funds noong 2022, hiniling ni VP sara sa panel na palitan ang presiding officer na si Marikina Rep. Stella Quimbo, na vice chairperson ng Komite.

Sinagot naman ito ni Quimbo sa pagsasabing hindi pinapayagan si Duterte na humirit ng anumang mosyon, dahil resource person ito sa hearing. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author