Inatasan ng Davao City Court ang PNP na alisin ang kanilang barriers sa paligid ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound, sa pagsasabing nakasasagabal ito sa religious, academic, at property rights ng mga miyembro.
Sa inilabas na Temporary Protection Order ng Davao Regional Trial Court Branch 15, agad ding pinatigil ang PNP sa anumang hakbang na maglalagay sa alanganin sa buhay, kalayaan, o seguridad, pati na sa mga ari-arian ng mga petitioner.
Hindi pa malinaw kung ang ibig sabihin nito ay ititigil na ng PNP ang kanilang buong operasyon.
Sinabi naman ni DILG Secretary Benhur Abalos na tatalima ang PNP sa kautusan ng Korte at aalisin ang kanilang barikada subalit hindi aalis ang mga pulis sa lugar.
Idinagdag ni Abalos na magpapatuloy din ang search operations para kay KOJC Leader Apollo Quiboloy na subject sa warrants of arrest para sa mga kasong Child and Sexual Abuse at Human Trafficking. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera