dzme1530.ph

Compound ng Kingdom of Jesus Christ, may mga sikretong lagusan —PNP

Nasa ika-4 na araw na ang paghahanap ng mga pulis kay Pastor Apollo Quiboloy sa Compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), sa Davao City.

Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, dumating sa KOJC compound ang police units mula sa iba pang rehiyon kaninang umaga para palitan ang mga kabaro na nagsagawa ng operasyon simula pa noong Sabado.

Aniya, na-detect din sa pamamagitan ng ground penetrating radar ang life signals mula sa underground na nagpapahiwatig na mayroong nakatagong bunker sa lugar.

Idinagdag ni Fajardo na kabilang sa mga challenge sa paghahanap sa puganteng pastor ay ang mga pasikot-sikot at madidilim na daan at mayroon din aniyang mga sikretong lagusan.

Samantala, itinanggi ni KOJC Chief Legal Counsel, Atty. Israelito Torreon ang inihayag ng PNP na mayroong underground bunker sa compound, sa pagsasabing baka galing lamang sa mga tubo o daga ang umano’y “heartbeats” na na-detect sa ilalim ng lupa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author