dzme1530.ph

P100,000 bill, inilabas ng BSP sa pagdiriwang ng National Heroes Day

Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 100,000-piso commemorative banknotes para sa mga kolektor, sa pagdiriwang ng National Heroes Day, kahapon.

Sinabi ng BSP na ang commemorative bills ay bahagi ng kanilang numismatic o money coin at printed money collection.

Inihayag ng central bank na ito ang pinakamalaking Philippine commemorative banknote na naimprenta simula noong 1998 nang ipagdiwang ang ika-100 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ang iba pang collectible coins at bills na una nang inilunsad ng BSP ay 150-peso coin, at 125-peso coin na may kaugnayan din sa kasaysayan ng bansa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author