dzme1530.ph

Aplikasyon ng mahigit 130 party-lists para sa Halalan 2025, ibinasura ng Comelec

Umaabot na sa mahigit 130 party-lists at political parties ang ibinasura ng Comelec ang aplikasyon para sa 2025 National and Local elections.

Inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na target nila na makumpleto ang pinal na listahan ng party-lists bago magkatapusan ng Agosto at makapagsagawa ng bunutan ng numero para sa eligible groups sa ikalawang linggo ng Setyembre.

Sinabi ni Garcia na dapat makapag-raffle bago matapos ang Setyembre dahil sa October 1 hanggang 8 ay filing na ng Certificate of Candidacy ng lahat ng party-lists at mga kandidato.

Ayon sa poll chief, oobligahin ng Comelec ang eligible party-lists na magsumite ng sampung nominees at hindi na nila papayagan ang submission ng karagdagang listahan ng mga pangalan.

About The Author