Mahigit ₱38.8 million na halaga ng dried marijuana na naka-pack at nakasilid sa tatlong kahon ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC).
Nakasaad sa statement na ang natanggap na impormasyon hinggil sa packages ay nagresulta sa pagkakasabat at pagsasailalim sa inspeksyon sa tatlong kahon noong July 31 at Aug. 1.
Sa initial x-ray results, ang mga kahon ay naglalaman ng 99 heat-sealed packages ng dried marijuana na nagkakahalaga ng ₱38.808 million.
Ayon sa BOC, ang shipment ay idineklarang naglalaman ng plastic tableware, kitchenware, mga kumot, at sapatos. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera