Haharap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa aabot sa 3,000 local officials sa idaraos na Local Governance Summit 2024 ngayong Biyernes.
Alas-9 ng umaga inaasahang darating ang Pangulo dito sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, para sa ikalawang araw ng pagtitipon na may temang ‘LGUs sa Bagong Pilipinas: Smart. Resilient. Driven.
Layunin ng summit na patatagin pa ang partnership ng national at local governments.
Inaasahan ding magbabahagi ng kanya-kanyang mga diskarte at pamamaraan ang local leaders at stakeholders sa local governance at serbisyo publiko.
Bukod sa Pangulo, dadalo rin sina DILG Sec. Benhur Abalos, at iba pang miyembro ng gabinete at opisyal.