Obligadong mag-sumite ng quarterly budget utilization reports ang National Gov’t Agencies (NGA), upang maiwasan ang underspending.
Ayon sa Dep’t of Budget and Management, ito ay dati nang patakaran ng DBM ngunit hindi mahigpit na nasusunod.
Kaugnay dito, sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na sa ilalim ng Circular Letter no. 2024-12 ay inoobliga ang mga ahensya lalo na ang mga may mababang budget utilization na tukuyin ang spending bottlenecks o mga nagpapabagal sa kanilang paggastos at mag-sumite ng catch-up plans.
Sa ngayon umano ay nakapaglabas na ang DBM ng ₱5.434 trillion o 94.2% ng 2024 budget.
Sinabi rin ni Pangandaman na ang mataas na gov’t spending ay kabilang sa mga nagtulak sa naitalang 6.3% GDP growth sa 2nd quarter ng taon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News