dzme1530.ph

Tanker na may sakay na 23 Pinoy seafarers, naanod matapos ilang beses atakihin sa Red Sea, ayon sa UK Maritime Agency

Inanod ang Greek-flagged oil tanker na Sounion sa Red Sea matapos ilang beses atakihin, dahilan kaya sumiklab ang sunog sa barko, ayon sa UK Maritime Agency.

Sinabi ng Greek Shipping Ministry at ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO), na inatake ang oil tanker ng dalawang maliliit na bangka at tinarget ng multiple projectiles sa Port City na Hodeidah sa Yemen, kahapon.

Sa sumunod na update, inihayag ng UKMTO na muling inatake ang Sounion kaya sumiklab ang sunog at nawalan ng power ang makina, pati na ang abilidad nito na makapag-maniobra.

Kinumpirma ng operator ng barko na Delta Tankers na naanod ang Sounion at nagtamo ng minor damage.

Wala namang naiulat na nasaktan sa 25 crew members na kinabibilangan ng dalawang russians at 23 Pilipino. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author