dzme1530.ph

PCG, itinanggi ang claim ng China na ginagawang ‘forward base’ ng Pilipinas ang Escoda Shoal

Itinanggi ng Philippine Coast Guard ang claim ng China na plano ng Pilipinas na gawing “forward base” ang Escoda Shoal.

Ito’y makaraang nagsagawa na naman umano ang Chinese vessels ng “dangerous maneuvers” na nagresulta sa pagbangga sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela na para sa kaalaman ng lahat, ang kanilang 44-meter vessels ay magsasagawa lamang ng routine supply operation para sa Coast Guard troops sa Lawak at Patag Islands.

Idinagdag ni Tarriela na ang misyon ay hindi para magpalakas o totohanin ang kutob ng China na palalakasin ng Pilipinas ang presensya sa lugar bilang forward base.

Dalawang barko ng PCG na kinabibilangan ng BRP Cape Engano at BRP Bagacay ang naglalayag patungong Patag at Lawak Islands para mag-deliver ng essential supplies nang komprontahin at banggain sila ng China Coast Guard vessels malapit sa Escoda Shoal.

About The Author